May bago na namang pelikula ang GMA films "Sundo" isang suspense thriller, kung saan first time na nakasama at nakatrabaho ni Rhian Ramos ang action star at legend na si Robin Padilla o. Portraying Robin’s blind sister in the movie, Rhian caught Robin Padilla’s attention while they were filming the movie.
Sa Press launch ng GMA7 films "Sundo", nakapagbitaw si na bumilib siya sa young actress na si Rhian Ramos.
"Napakagalang po ng batang ito. Noong una kaming nagkita sa loob ng sasakyan ang eksena namin, sabi niya 'Isa pong karangalan ang makatrabaho kayo.' Na-touch ako nun iha. Tumanim po 'yun sa puso ko kapatid kasi totoo 'yung sinabi ko kanina na marami na akong nakilala na mga bagong artista na nalungkot ako kasi [nawawala] 'yung respeto [nila] sa nakakatanda," ang pahayag ng lead star ng Sundo.
Idinagdag pa ni Robin na talagang pinahanga siya ng young actress sa pag-acknowledge sa kanya. Idinagdag pa ni Robin na noong sinabi daw ni Rhian yun ay medyo naiiyak siya... hindi lang daw siya nagpahalata. "Sabi ko ang galing naman nitong batang ito. Kaya plus factor mo 'yun, marunong kang gumalang sa matanda," he said to Rhian as he chuckled.
Pinuri rin ni Robin ang pag-arte ni Rhian saying that she is very professional when it comes to portraying her character.
"Bilang artista naman ay napakahusay niya kasi bulag siya rito. Talagang lagi lang siyang nakatingin sa malayo. Suot-suot niya 'yung contact lens. Matagal po niya 'yung suot, buong araw. Ako, bigote lang at hair extension ang nakakabit sa akin, medyo hirap na hirap na ako. Eh siya, nakalagay sa mata niya, tapos hugas ng hugas ng mata niya. Kami na nga ang umaawat sa kanya 'Uy tama na 'yan, masama na yata ang ginagawa mo’ pero sabi niya ‘hindi okay lang ‘yan’ ganun ho siya ka-professional!" ang kwento ni Robin during the press launch.
Nang hiningan ng iGMA ng reaksyon si Rhian sa mga papuri ni Robin sa kanya, halatang tuwang-tuwa ang batang aktres.
"Syempre natutuwa ako na kasi sinabi niya na-touch daw siya sa nagawa ko so parang masayang-masaya ako na parang kahit sa maliit lang na paraan nakagawa ako ng impact," ang nakangiting pahayag ng 18-year-old actress.
Nang tanungin namin kung willing ba siya na makasama ulit si Robin, but this time sa television naman, guess what she said?
"Oo naman! Kasi pagka gumagawa ka ng isang pelikula, mas mabilis siyang gawin kesa sa show. Sobrang nag-enjoy ako sa proyektong ito at parang bitin, so parang gusto ko mas mahabang proyekto naman. Kuya (appealing to Robin), request mo naman ako!"
Panoorin ang Sundo in theaters nationwide starting March 18.